Di ko na talaga kaya! May nalaman ako nung thursday and napaiyak nanaman ako! AH!!!!! Nalaman ko na may balak siyang haranahin si Jezel ng October 23... I feel so nervous kahit na napakalayo pa non! Ah!!!! Ninenerbyos ako! Ewan! Basta! Selos, Selos, Selos... Yun lagi yung nararamdaman ko! Nagseselos ako sa taong mahal niya dahil mahal na mahal niya siya... Bakit ba di niya ako kayang mahalin? Bakit ba di niya makita na nandito lang ako, di umaalis... Minsan, ayaw ko na talagang mahalin yung taong yun... E pano naman kasi, halata namang wala akong kwenta sa buhay niya... Sawa na ako sa hi lang... Gusto ko siyang makausap ng masinsinan harap harapan! Di ko na talaga alam kung ano na! Napakahirap talaga ma-inlove pagka bulag yung taong mahal mo pero para sakin, ok lang na mahalin niya si *toot* kahit na nasasaktan ako dahil masaya siya sa kanya e... Basta masaya siya, ok na ako don... Hay naku!!! Di ko na alam kung dapat ko pang ituloy 'tong pagmamahal ko para sa kanya e halata naman na wala ako para sa kanya, isa lang akong tao na para sa kanya ay walang kwenta at walang kinalaman sa buhay niya... Kung baga, mamatay man ako di niya malalaman kasi wala siyang pakialam sa akin kaya ayoko nang mag-aksaya ng panahon... Pero sinubukan ko na talagang limutan siya ng tuluyan kaso nga lang di ko talaga kaya e... Di ko talaga matanggal yung pagmamahal ko para sa kanya, yung feelings ko para sa kanya ay masyadong malakas! Bakit ba wala akong space sa puso niya? Bakit ba di niya ako kayang mahalin? Bakit? Bakit? Bakit??!?!?!? Hay!!!! Kung pwede nga lang magsimula ng buhay highschool ulit simula day one, gagawin ko... Pero hindi pwede e... Hay!!! Sa taong mahal ko, kilala mo na kung sino ka... Gusto ko lang na malaman mo na mahal kita pero wag ka naman sanang bulag at malaman mo sana na nandito lang ako okay? Kahit na masakit para sa akin yung lahat ng nangyayari, masaya na ako as long as masaya ka

0 Comments:
Post a Comment
<< Home